-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nagsitakbuhan ang grupo ng mga residenteng nag-New Year’s party matapos silang dalhan ng pugot na ulo ng isang lola sa kalagitnaan ng kanilang New Year’s party kahapon sa Purok-1 Barangay Canayugan, Bayugan City, Agusan del Sur.

Nakilala ang biktimang si Rosalina Asino, 66-anyos, may asawa at isang taon pa lang na nakatira sa nasabing lugar habang ang responsable naman ay nakilalang si Mario Fortun, 44-anyos, may asawa, parehong residente ng naturang lugar.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng responsableng si Fortun na hindi niya matanggap matapos siyang sigawan ng biktima na magnanakaw nang kanyang hilingin na ilipat ang kanyang mga tanim na bulalak na may mga tinik dahil nabiktima nito ang kanyang mga anak.

Narinig umano ito ng kanyang nagdadalaga at nagbibinata ng mga anak ang sigaw ng biktima kung kaya’t matapos niya itong palampasin ng ilang oras at nagpunta sa party, ay binalikan niya ito at doon na pinagsasaksak at pinutol ang ulo at saka iniregalo sa mga nagpa-party nilang mga kapitbahay.