BACOLOD CITY — Nadagdagan pa ang bilang ng persons under investigation kaugnay ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD) sa lungsod ng Bacolod.
Kaninang tanghali, kinumpirma ni Dr. Grace Tan, pinuno ng Environment and Sanitation Division ng Bacolod City Health Office (CHO) at spokesperson ng Inter-Agency Task Force against nCoV-ARD na may dalawa pang karagdagang PUIs mula sa lungsod.
Ito ay kinabibilangan ng isang foreign national at isang lalaking Pinoy ngunit ayon kay Dr. Tan, hindi mabubunyag kung saang ospital inoobserbahan ang pasyente.
Ang dalawa ay nadagdag sa 12-anyos na lalaki na may travel history sa Hong Kong at Macau at isang 58-anyos na Pinay.
Nabatid na ang Canadian national na dinala sa rekord ng Bacolod at naconfine sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ay nag-negatibo na sa coronavirus virus, ayon sa kumpirmasyon ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).