CENTRAL MINDANAO – Kinumpirma mismo ni North Cotabato Governor Nancy Catamco na ang 37 anyos na babae na nasawi sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City ay nagnegatibo sa Coronavirus Disease o Covid 19.
Ang biktima ay residente ng Tulunan Cotabato at napabilang sa Person Under Investigation (PUI) ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Tulunan Municipal Health Officer Dr Mylene Perez na basi sa inilabas na confirmatory test ng RITM nagnegatibo sa Covid 19 ang biktima.
Nasawi ang 37 anyos sa acute respiratory failure at pneumonia.
Wala rin itong travel history sa Maynila at sa labas ng bansa ngunit napasama sa PUI dahil nakitaan ng sintomas sa nakakamatay na sakit.
Sa ngayon ay nanatiling Covid 19 Free ang probinsya ng Cotabato.