Nagbabala ngayon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) -7 sa mga drayber ng public utility jeep(PUJ) na ipinagbabawal na makabiyahe ang mga tradisyunal na jeep sa mga lugar na isinailalim sa general community quarantine(GCQ).
Inihayag pa ni LTFRB-7 director Eduardo Montealto Jr. na ang may mga special permit lang mula sa kanilang tanggapan ang pahintulutang makabiyahe.
Magsasagawa pa umano sila ng random inspection sa mga bus na bumiyahe upang matiyak na sinunod ng driver at conductor ang mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask ng mga pasahero at dapat kalahati sa seating capacity lamang ang maaaring maisakay upang masunod ang social distancing.
Inaanunsiyo pa ni Montealto na P11 ang pamasahe sa unang limang kilometro at karagdagang P1.85 para sa susunod na isang kilometrong biyahe.