-- Advertisements --
Tatlo patay, kabilang ang isang pulis ng paulanan ng bala kagabi sa labas ng bahay sa Tondo, Manila.
Nakilala ang mga biktima na sina: PO2 Ron Ron Reyes nakatalaga sa Cainta police, Rodrigo Sevilla at Allan Azuris.
Nag-iinuman umano ang tatlo ng bigla na lamang silang pagbabarilin ng tatlong gunmen.
Ayon kay PSInsp. Romeo Estabillo, chief investigator ng Manila Police District Station 1, batay sa mga naka saksi na matapos barilin ang mga biktima, naglakad pa ang mga suspek
habang papaalis sa crime scene.
Namatay ang mga biktima habang ginagamot sa hospital.
Tinutukoy na ngayon ng Manila Police District ang motibo sa insidente.