BUTUAN CITY – Nagpaabot ng kanyang hinaing sa Bombo Radyo ang isang pulis na nadestino sa Cabadbaran City, Agusan del Norte matapos itong ma-trap ng dalawang oras sa loob ng isang hotel sa may Brgy. Carmen, Cagayan De Oro City.
Ayon sa nagreklamo na si Sr. M/Sgt. Apollo Paquibot, nagpunta siya ng Cagayan De Oro City upang magpa-authenticate sa kanyang lisensiya sa Civil Service Commission kung kaya’t nag-check-in siya sa isang hotel.
Dako alas-6:00 ng umaga nang siya ay gumamit ng CR upang maligo ngunit hindi niya mabuksan ang pintuan nito.
Kuwento pa niya kahit ano na ang ginawa niyang pagsisikap ay nahirapan siyang mabuksan ang pintuan ng comfort room.
Hanggang sa malaman na lamang ng mga hotel staff ang kanyang kinalalagyan.
Nakalabas din siya sa huli nang sirain niya ang pintuan gamit na ang iron bar.
Sa kabila nito walang plano ang naturang pulis na magpa-refund at maging sa abala na kanyang naranasan.
Ngunit inirekomenda niya sa hotel na sana i-repair ang kanilang door knob lalo na’t nalaman niya na 20 taon na pala itong ginagamit.