Arestado ang isang pulis at tatlong iba pang sabungero sa ikinasang opersyon ng mga tauhan ng PNP – Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa Sudlon, Lahug City, Cebu.
Ayon kay PNP-IMEG Director Police BGen. Ronald Lee, nahuli ang apat sa isang sabong kahapon.
Kinilala ni Lee ang naarestong Pulis na si Staff Sergeant Charlito Sanchez Tinoy na siyang nangunguna sa nasabing sabong.
Huli sa akto ng mga pulis ang apat na nagtu-tupada at lumalabag sa health protocol ngayong may COVID-19 at umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu.
” We’re intensifying our monitoring of policemen involved in all forms of illegal activities and assure the public that we will apprehend them as soon as we have built enough evidence against them. We must make it clear that Gen. Gamboa has a strict zero tolerance policy against police officers who continue to tarnisg the good reputation and image of the PNP organization,” pahayag ni BGen. Lee.
Kasalukuyang hinahanda na rin ang kasong administratibo laban sa nahuling pulis at sa tatlong iba pang kasamahan nito.