Arestado ang isang active police officer at ang apat na kasabwat nito sa ikinasang entrapment operation kahapon ng madaling araw sa may bahagi ng Nicanor Garcia St., Brgy Poblacion, Makati City dahil sa umano’y robbery hold-up.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director, CSupt. Tomas Apolinario ang mga suspeks na sina: PO2 Jaycee Abana, 28-anyos, single, aktibong miyembro ng PNP naka assign bilang Traffic Investigator ng Vehicular Traffic Investigation Unit (VTIU) ng Makati City Police Station; Mohalem Macamundag, 28-anyo; Muhamad Macamundag, 34; Mohalil Macamundag, 30 at Wenceslao Sevellejo, 44-anyos.
Inihayag ni Apolinario na magkapatid sina Mohalem, Muhamad at Mohalil.
Kabilang sa mga nabiktima ng mga suspek ay nakilalang sina: Changbo Fang, 22-anyos at kasalukuyang nakatira sa Street, San Antonio, Makati City at Fang Zhang Bao.
Nag-ugat ang opersyon bunsod sa reklamo ng isang Tony Yu, Livian Bao at Jennifer Zarcilla kung saan inihayag ng mga ito na ang kanilang kabigan na Chinese ay nasa kustodiya ng limang hindi nakikilang kalalakihan sa loob ng isang sasakyan sa may Nicanor St.,Brgy Poblacion, Makati City.
Batay sa report, ang biktima na si Changbo kasama ang kaibigang lalaki ay sakay sa isang Lexus IS 300 Sedan ng bigla na lamang may isang sasakyan kung saan lulan ang mga suspek ang nagsi signal sa mga biktima kaya huminto ang mga ito.
Pero bigla na lamang lumapit ang isang suspek tinutukan sila ng baril kinuha ang wallet at pera.
Dahil sa takot bigla na lamang bumaba sa sasakyan ang kasamahan ni Changbo.
Dito na hinostage ang biktima at pinatatawagan ang mga kamag anak nito na magbigay ng pera kapalit ng kaniyang kalayaan sa halagang isang milyon pero dahil sa negosasyon bumaba ito hanggang sa  Php 80,000.00.
Matapos makatanggap ng ulat ang mga pulis kaagad nila ikinasa ang operasyon dahilan ng pagkaka-aresto sa mga suspek.