Arestado ang isang bagitong pulis dahil sa pagpapaputok ng armas nito sa bisperas ng Pasko.
Naganap ang indiscriminate firing bandang ala-1:00 kaninang hapon.
Nagkagulo ang mga residente sa may Sgt. De Leon St., HBO Compound, Barangay Santolan, Pasig City.
Sa report na inilabas ng Pasig Police chief SSupt. Orlando Yebra na nagpapatrulya ang mga tauhan nito sa pamumuno ni PSI Gaoaen ng makatanggap ng tawag kaugnay sa insidente.
Kaagad naman rumisponde ang mga pulis at inaresto ang suspek.
Kinilala ni Yebra ang suspek na si PO1 Arnold Gabriel Sabillo na naka-assign sa Montalban Police Station.
Narekober sa kaniyang posisyon ang isang 9mm Beretta na may 11 live ammunitions mula sa crime scene at tatlong cartridge.
Nakikipag-ugnayan na sa ngayon ang Pasig Police sa mga barangay officials at homeowners sa posibleng may nasugatan no nasawi sa ginawang pagpapaputok ng nasabing pulis.
Sa ngayon isinailalim na sa paraffin test at booking procedure ang naarestong pulis.
Samantala, una ng inihayag ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na kaniyang tatanggalin sa pwesto ang mga station at police commanders kapag may insidente ng indiscriminate firing na nangyari sa kanilang areas of responsibility lalo na kapag may nasawi na biktima.