-- Advertisements --

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Malabon City Police Office, Northern Police District (NPD), Manila Police District (MPD) at Anti-Kidnapping Group (AKG) ang isang pulis na umano’y sangkot sa kaso ng kidnap for ransom at robbery extortion sa lungsod ng Malabon.

Batay sa ulat, ang naturang pulis maynila ay may ranggong  police corporal .

Natukoy rin na nakatalaga ito sa Manila Police District-District Personnel Holding and Accounting Section.

Batay sa report na natanggap ng mga otoridad, natukoy ng mga testigo ang plaka ng sasakyan na ginamit ng suspect sa pagdukot kaya ito ay nagresulta para matukoy ang kanyang pagkakakilanlan.

Sa tulong rin ng Land Transportation Office  kaya naberipika ang rehistro ng sasakyang ginamit nito.

Sa ngayon, patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang iba pang kasabwat ng suspect sa kanilang mga ilegal na aktibidad.