-- Advertisements --

IMEG1

Arestado ng mga tauhan ng PNP Integrity-Monitoring and Enforcement Group (IMEG) isang myembro ng Police Security and Protection Group dahil sa paggamit ng nakaw na sasakyan.

Kinilala ang nahuling pulis na si Police Chief Master Sergeant Allan Casanas.

Naaresto ng IMEG Region 4-A katuwang ang PNP Highway Patrol Group (HPG) sa Chipeco Avenue, Calamba City, Laguna kagabi.

Ayon sa IMEG, isinailalim sa surveillance ang PSPG dahil sa impormasyong natanggap na ginagamit nito ang Toyota Innova na kasama sa wanted list.

Nakumpirma sa HPG Vehicle Information Management System na nakaw nga ang sasakyan at napaulat na nakaw noon pang 2012.

Ikinatwiran ng pulis na galing sa kakilala nya ang sasakyan na minamaneho.

Hinanapan naman sya ng proof of ownership pero wala syang maipakita kaya dito na sya inaresto.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng IMEG 4-A ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong kriminal at adminstratibo habang isasilalim sa examination ang sasakyan ng PNP-HPG and the Forensic Group.

Samantala, nagbabala naman si PNP Chief Police General Dionardo Carlos sa mga pulis na huwag gumamit ng mga sasakyang narekober sa operasyon o kaya naman ay gumamit ng mga nakaw na sasakyan.