GENERAL SANTOS CITY – Pormal ng sinampahan ang isang Pulis kasama ang2 menor de edad sa paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act dahil sa pag- ‘hunting’ ng Large Flying Fox na tinatawag na Kabog.
Ayon kay CENRO Gensan head Allan Marcella na caugth on the act sa taga DENR 12 si Police Staff Sergeant Ibañez Faldaz 33, na nadestino sa Polomolok Municipal Police station kasama ang 17 at 15 taon gulan na kustusiya ngayon ng Bahay Pag-asa Barangay Sinaal nitong lungsod.
Dagdag ni Marcella na narekober sa kustusiya sa mga suspek ang 59 Large Flying Fox, 12 gauge shot gun na alang serial number at anim na unit ng motorsiklo.
Kinonsedera nang endangered species ang kabog na nasa Barangay Conel ntiong lungsod dahil sa nagkaliit na bilang ng mga ito.
Nalaman na dadalhin umano ang nahuling mga Kabog sa isang exotic restaurant sa Polomolok, South Cotabato na kanila ng pinaberipika.
Nalaman na nagpaabot ng reklamo sa DENR ang mga residente sa lugar dahil sa mga putok ng baril sa Barangay Conel sa nagdaang buwan na aktibidad sa pagha hunting ng Kabog sa lugar.