-- Advertisements --

LAOAG CITY – Tatlong indibidwal kasama ang isang pulis ang naaresto dahil sa iligal na sugal sa Brgy. Balaoai, Pagudpud.

Ito ang kinumpirmar ni Lt. Wyrlo Gatoc, ang deputy chief ng Ilocos Norte CIDG.

Kinilala ni Gatocang mga suspek na sina Rosemarie dela Cruz, Jenny Calventas at ang miembro ng PNP-Pagudpud na si Staff Sgt. Julius Cesar Tagle.

Aniya, nagsimula ang pagkaaresto ng mga suspek matpos may mag-report ang isang concerned citizen tungkol sa iligal na sugal na naisasagawa sa nasabing barangay.

Dahil dito, agad na nagresponde ang kapulisan kung saan nakitang naglalaro ng tong-its ang mga suspek.

Ipinaalaam ni Gatoc na nakumpiska ang isang set ng baraha at P5,00 na bet money.

Nanatili sa kustodiya ng PNP ang mga suspek habang inihahanda ang kasong isasampa kontra sa kanila.