-- Advertisements --

Muling nagkasagutan ang ilang tauhan ng pulisya sa Davao at abogado ni Pastor Apollo Quiboloy.

Bunsod ito ng pagtanggal ni Atty. Adam Jambangan sa mga inilalagay na wanted pictures nina Quiboloy at iba pa nitong kapwa akusado.

Katwiran ng PNP, ipinakakalat ito sa buong bansa dahil totoo namang hinahanap ang naturang pastor.

Pero giit ni Jambangan, hindi maaaring gawin ng pulisya ang paglalagay ng mga poster sa gate ng KOJC dahil ito ay private property.

Naqbatid na mahigit isang linggo na sa naturang lugar ang mga pulis na patuloy na naghahanap sa nagtatagong si Quiboloy.

Ang KOJC leader ay nahaharap sa mga kasong human trafficking at sexual related cases, na nakabinbin sa Davao at Pasig City Regional trial Court.