(Update) DAVAO CITY – Patuloy ngayon na iniimbestigahan ng Sta. Ana Police station kung sino ang responsable sa pagbaril-patay sa isang negosyante at pulis habang nasa loob ng compound sa sabungan ng Aquino Coliseum Gallera, Agdao sa lungsod ng Davao.
Una ng nakilala ang mga biktima na sina Jul Vincent Manzanares, 26, binata, residente ng 01 Guiho St., Nova Tierra Village, Davao City, negosyante, at si Cpl. Kronish Alvaira, 30, ng Purok 2, Brgy Mainit, ComVal.
Ayon sa mga nakasaksi, mataas na kalibre ngaarmas ang ginamit ng mga suspek sa pagpatay sa mga biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon sa otoridad, nakuha umano sa pag-iingat ni Manzares ang mahigit P100,000 na pera.
Patuloy pa ngayon na inaalam ng otoridad ang nasa likod ng krimen.
Sinasabing personal na galit umano ang isa sa motibo sa pagpatay sa mga biktima.
Narekober din ng kapulisan sa crime scene ang limang basyo ng 5.56 mm na pistola at bala rin mula sa .45 caliber na nasa 19 at .45 caliber pistol na nasa walong basyo.