-- Advertisements --
Gumamit ng tear gas at water cannons ang mga kapulisan sa Brussels, Belgium laban sa mga protesters.
Ipinoprotesta kasi ng mga mamamyan ang ginawang COVID-19 restrictions.
Sa simula ay naging mapayapa ang pag-martsa ng mga protesters sa Belgian capital.
Pagdating naman nila sa headquarters ng European Union ay doon na pinagbabato ng mga grupo ng protesters ang mga nakabantay na pulis.
Bilang ganti ay gumamit ng tear gas at water cannon ang mga ito para buwagin ang mga protesters.
Ilan sa mga inirereklamo kasi ng mga protesters ay ang paghahanap sa kanila ng mga COVID-19 vaccine passes para makapunta sa mga restaurant at mga bars ganun ang mandatory pagpapasuot sa kanila ng face mask.