-- Advertisements --
Muling sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng mga protesters sa Hong Kong at mga kapulisan.
Kasunod ito ng pagkakabaril ng mga kapulisan sa isang 18-anyos na lalaki.
Ang pamamaril ay siyang kauna-unahang insidente ng karahasan sa halos na apat na buwang kilos protesta sa lugar.
Dahil sa pangyayari ay maraming mga residente sa lugar ang nagalit kung saan nagtungo sila sa Nathan Road na walang suot na gas mask o anumang proteksyon ay hinamon ang mga kapulisan na sila ay barilin.
Isinabay ang malawakang kilos protesta sa pagdiriwang ng 70th anibersaryo ng pagtataguyod ng People’s Republic of China.