-- Advertisements --

COTABATO CITY — Nagpakita ng pagsuporta sa kampanyang Bagong Pilipinas ang PRO- Bangsamoro Region sa pangunguna ni BARMM Regional Director BGen. Allan Nobleza.

Sa naging soft launching ng kampanya, ibinida ng PRO- BAR ang kanilang pananagumpay at mga accomplishments sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, kabilang na ang pagsugpo sa ibat ibang uri ng krimen at ilegal na droga sa rehiyon.

Ayon sa direktor, ang bagong kampanya na ito ay nagpapakita na ang bawat iss ay dapat maging maalam at magaling sa kanilang mga gagawin, kabilang na rito anya ang mga kapulisan na dapat ay tumutugon ng maayos sa mga problema at maging maingat sa bawat kilos maging sa kanilang tungkulin.

Dahil dito, hinikayat ng hepe probinsyal ang kanyang kawan na suportahan ang bagong adhikain na ito ng ating pamahalaan.

Una nang sinabi ng pangulong Bongbong Marcos na isa sa pinakamagandang tunguhin para sa Bagong Pilipinas ay ang pakikipagtulungan ng publiko at ng gobyerno.

Ang pormal na paglulunsad ng Bagong Pilipinas ay gagawin sa darating na Linggo, Enero 28 sa buong bansa.