CAGAYAN DE ORO CITY – Kinasuhang muli ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency 10 ang aktibong pulis na dati na nila naaresto dahil nagpupuslit ng ilegal na droga sa piskalya ng syudad.
Kinilala ni PDEA -10 regional director Atty. Benjamin Gaspi ang suspek na si Police Staff Sgt Santiago Lumangcas,52 anyos na residente sa Barangay Lumbia ng syudad kahapon ng umaga.
Salaysay ni Gaspi na nakompiska mula sa pulis ang higit 100 gramo ng suspected shabu na mayroong street value na higit P700,000 ilang baril at mga bala sa mismong bahay nito kaugnay sa isinagawa na entrapment operation.
Batay sa PDEA investigation, nagsilbing assistant investigator ng Initao Police Station ng Misamis Orienal Police Provincial Office si Lumangcas ilang taon pagkalipas bago ito makabalik sa serbisyo mula nang makulong sa city jail dahil sa paglabag ng Republic Act 9165.
Subalit natupok ng apoy ang Cagayan de Oro Hall of Justice noong Enero 2015 dahilan na napilitang ang korte na i-acquit ang dating akusado sapagkat wala na lahat mga ebedensiya patungko sa kinaharap na kaso.