DAVAO CITY – Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng isang police na nasasangkot sa mga kaso.
Una rito, hinuli sa loob mismo ng Camp Catitipan, Buhangin District, Davao City si PSMSgt. Arce Canoy sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC)-11 Branch 19, Digos City.
Si Canoy ay sinasabing nasasangkot sa malaking investment scam ng Rigen Marketing at nahaharap sa tatlong bilang ng estafa.
Hindi na umano nakapalag pa si Canoy nang hulihin ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation Detection Group (CIDG) Davao del Sur Provincial Office at ng Digos City Police Station sa loob mismo ng punong himpilan ng Police Regional Office-11.
Bago ito, nauna nang nahuli ang CEO ng Rigen Marketing na si Paul Auditor.