-- Advertisements --

Naniniwala ang Quad Committe ng Kamara na nagsisinungaling si dating PCSO GM at PCol. Royina Garma sa naging pagharap nito sa pagdinig ng komite hinggil sa umanoy EJK ng dating administrayong Duterte.

Upang mapatunayan ito, inungkat ni Rep. Bienvenido Abante ang pagkakaroon ni Garma ng relasyon  kay Senior Police Officer 4 Arthur Narsolis na itinuturong dawit sa pagpatay sa tatlong Chinese Drug Lord sa DPPF noong 2016.

Batay sa mga naunang pahayag ng mga testigo si Narsolis ang siyang nag-utos sa pagpapatumba o pagpatay sa tatlong biktima.

Tinanong rin ni Abante si Garma kung alam nito na may asawa at anak si Narsolis ng nagkaroon sila ng relasyon.

Paliwanag naman ni Garma na siya ay annulled na sa kanyang dating asawa at si Narsolis ay separated.