-- Advertisements --

Arestado ang isang pulis na drug pusher at nakatalaga sa Police Security and Protection Group (PSPG) sa ikinasang operasyon ng Mandaluyong PNP.

Nakilala ang pulis na drug pusher na si PSsgt. Manuel BasiloÑa Bien.

Inaresto si Bien ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Mandaluyong City Police dahil sa umano’y pagiging drug pusher nito.

Suot pa ni Bien ang kaniyang fatigue uniform nang arestuhin ng kaniyang mga kabaro.

Ayon kay PCol. Gauvin Mel Unos, Chief of Police ng Mandaluyong, unang naaresto ng kaniyang mga tauhan ang isang drug suspek na si Alfie Tacliad Gomez na may ka-transaksyon sa ilegal na droga sa San Rafael St, Brgy Plainview, Mandaluyong City.

Nakumpiska sa kaniya ang isang sachet ng Shabu.

Nang ito ay isinailalim sa Custodial Investigation ay itinuro niya ang isang “Sir Bien” na umano’y kaniyang supplier ng iIlegal drugs.

Agad nagkaroon ng Follow-up Operation at naaresto ang Pulis na si Bien.

Si Bien ay kakasuhan sa paglabag sa Dangerous Drugs Law at kasong Administratibo na posibleng maging daan upang siya ay tuluyan nang masibak sa serbisyo.