-- Advertisements --

ILOILO CITY – Mariing itinanggi ng pulis na miyembro ng Special Investigating Team na humahawak sa kontrobersyal na kaso ng pagpatay sa negosyante sa Iloilo ang akusasyon na sinakal, tinutukan ng baril at pinagbantaang papatayin ang isa sa mga suspek sa murder case.

Ito’y kasunod ng alegasyon ni Rudelyn Sumbong, isa sa mga suspek sa krimen, na tinakot siya na papatayin umano ni Pinuela kung hindi nito isisiwalat ang kanyang nalalaman tungkol sa pagpatay kay Diergos.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Col. Adrian Acollador, director ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), sinabi nito na sa pakikipag-usap niya kay Pinuela, nanindigan ito na nagsisinungaling lamang daw si Sumbong.

Ayon kay Acollador, sinabi sa kanya ni Pinuela na kung totoo ang akusasyon ni Sumbong, noon sana ay na-ireport na niya ito sa otoridad.

Napag-alaman na maliban kay Sumbong, kabilang din sa 10 mga suspek na sinampahan ng kasong murder ay sina former San Dionisio Iloilo Mayor Peter Paul Lopez ,asawa nito na si Saliha “Sally” Lopez, at dalawa nilang anak.