-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (CIDG-BARMM) sa Cotabato City ang pulis na isa sa halos 80 at-large na mga suspek sa Maguindanao Massacre matapos na boluntaryong sumuko sa mga otoridad.

Ito ang kinumpirma ni PCol. James Gulmatico sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Gulmatico, personal na nakipag-ugnayan sa kanya ang pamilya ni PO1 Ysmael Baraguir upang sumuko matapos ang 10 taon na pagtatago sa batas.

Matapos umano ang promulgation of judgement ng Maguindanao massacre ay nabigyan ng pag-asa ang pulis na maabswelto sa kaso matapos na may ibang mga pulis na napalaya na.

Sinundo umano ng mga operatiba ng CIDG si Baraguir sa Barangay Linandangan, Pagalungan, Maguindanao.

Sa ngayon hinihintay na lamang g CIDG-BARMM ang commitment order mula sa sala ni Quezon City Judge Jocelyn Solis Reyes kung saan ide-detain ang suspek.

Ang suspek ay nahaharap sa 56 counts of murder.

Una rito, dalawa pang mga suspek ang naaresto ng Taskforce na pinangungunahan ng CIDG-BARMM na nakatutok sa paghuli sa mga at large na suspetsado ng Maguindanao masaker.