-- Advertisements --
Ginawaran ng Philippine National Police (PNP) ng dalawang medalya ang kanilang supply management chief na nasawi sa madugong mid-air collission sa US noong nakaraang buwan.
Kabilang si Col. Pergentino Malabed na sakay ng pampasaherong eroplano na bumangga sa US Army helicopter sa ibabaw ng Potomac River sa Washington DC noong Enero 29.
Personal na iginawad ni PNP Chief Rommel Marbil ang Medalya ng Katapatan sa Paglilingkod at Medalya ng Katangi-tanging Gawa.
Dumating ang bangkay ni Malabed sa bansa nitong umaga ng Biyernes at matapos ang ilang oras ay dinala ito sa Camp Crame para gawaran ng pagkilala.