BACOLOD CITY – Sinampahan na ng kaso ang isang pulis na namaril ng 20-anyos na lalaki sa Hinigaran, Negros Occidental at nakabaril pa ng dalawang motorista habang ito ay tumatakas.
Una rito, binaril ni Cpl Ace Pacificar si Jinmar Baya ng Barangay Gargato, Hinigaran.
Bago ang insidente, hinuli ni Pacificar ang ama ni Baya na si Marlex sa hindi pa malamang dahilan bago ito iginapos.
Nang dumating si Jinmar at nakita nito ang kanyang ama na iginagapos ni Pacificar, kumuha ito ng cellphone upang tumawag sana sa mga pulis ngunit bigla itong binaril ng suspek gamit ang .9mm caliber pistol at tinamaan sa kanang bahagi ng kanyang leeg.
Ayon kay Staff Sgt. Jomar Karela ng Hinigaran Police Station, maaaring napagkamalan ng pulis na magnanakaw ang amang Baya kaya’t kanya itong sinita at hinuli.
Kaagad na tumakas ang pulis ngunit pagdating nito sa Barangay M.H. del Pilar, Pontevedra, natumba ito sa motorsiklo dahil lasing ito.
Ayon sa hepe ng Pontevedra PNP na si Capt. Rhojn Darrel Nigos, tutulungan sana ng dalawang motorista ang suspek ngunit inakala nito na siya ang huhulihin kaya’t kanya itong binaril.
Dito na nahuli ng mga pulis si Pacificar na kulong ngayon sa Pontevedra Police Station.
Ayon sa hepe, two counts of attempted murder ang isinampa laban sa pulis.
Nakalabas na rin ang isa sa mga binaril ng suspek.
Si Pacificar ay assigned sa Negros Occidental Police Provincial Office ngunit may live-in partner ito sa Hinigaran.