-- Advertisements --

Tuluyan ng nagbitiw sa serbisyo si Patrolman Francis Steve Fontillas dahil sa mga kinaharap na kaso.

Ang nasabing pagbibitiw ay mataposang halos isang buwan ng kumalat ang video nito ukol sa pagpapahayag nito ng hindi pag-sang-ayon sa gobyerno.

Sinabi nito na dahil sa pang-yayari ay iniipit na siya ngayong kaya nagpasya itong magbitiw sa serbisyo.

Pagtitiyak niya na magbitiw man ito sa puwesto ay hindi nangagahulugan na titigil na ito na ipaglaban ang kaniyang karapatan.

Magugunitang isinailalim ng Quezon City Police District sa restrictive custody si Fontillas at sumailalim din ito sa seminar mula sa National Police Commission si Fontillas dahil sa pagkontra nito sa gobyerno noong arestuhin ng interpol si dating Pangulong Rodrigo Duterte.