BUTUAN CITY – Posibleng ma-dismiss ang pulis mula sa Agusan del Sur na nahuli sa isinagawang drug-buy bust operation sa dito sa lungsod ng Butuan, matapos itong mag-positibo sa drug test na isinagawa ng Regional Forensic Unit o RFU-13 ng Police Regional Office-13 na syang gagamitin para sa kanilang pagsasampa ng kaukulang kaso.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Butuan City Police officer-in-charge PCol. Rommel Villamor, I-aakyat nila ngayong araw sa City Prosecurot’s Office ang kaukulang kaso laban kina Patrolman Michael Montalban Salgarino, 31-anyos, residente ng P-8, Brgy Salvacion, Bayugan City, Agusan del Sur at kasalukuyang nadestino sa 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng nasabing lalawigan at mga sibilyan na sina Jun Jun Magarin Madjos, 30-anyos, binata, residente sa P-3, Brgy Tiniwisan at Joel Sabaldan Fernandez, 25-anyos, binata, walang trabaho at residente ng IRA Homes, Brgy Baan Km. 3 parehong sakop nitong lungod ng Butuan.
Ayon sa opisyal, notadong drug user at pusher ang dalawang sibilyan na matagal ng kaibigan ni Patrolman Salgarino at dahil na-assign nito sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur na kalapit lang ng Butuan City, kung kaya’t sinadya niya ang dalawa upang gumamit ng ilegal na druga dahil hindi ito ng nakunan ng suspected shabu.
Pulis na nahuli sa drug buy bust operation sa Butuan City, nagpositibo sa drug test