-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Sinampahan na ng kasong sibil sa pamamagitan ng inquest proceedings ang isang pulis na namaril ng sibilyan sa may JC Aquino Avenue nitong lungsod ng Butuan.

Kinumpirma ni PLCol. Christian Rafols – tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO-13), kasong frustrated murder ang isinampa sa pamilya ni Harvey Berundo, 20-anyos, residente ng Barangay 1, Cabadbaran City at temporaryong nakatira sa Zacor, Brgy. Tandang Sora nitong lungsod sa Butuan kontra kay Police Master Staff Sergeant Arnel Aceron, na-destino sa Regional Police Holding and Accounting Office o RPHAO.

Maalalang binaril ng nasabing pulis ang biktima sa labas ng convenience store dahil tumakas umano ito sakay sa kaniyang motorsiklo ng kaniyang sinita base sa inisyal na pahayag ng na-arestong pulis.

Ayon kay Rafols, magsasagawa rin sila ng sariling imbestigasyon at kung mapatunayang nagkamali ang pulis, mabibigat na parusa ang kaniyang kakaharapin.