-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nakakulong ngayon sa Calumpang Police Station ang pulis nga nakabaril-patay sa isang mangingisda noong nakaraang araw sa Zone 1, Purok Saeg, Barangay Calumpang nitong lungsod ng Heneral Santos matapos itong mahuli.

Kinilala ang suspek na si PCorporal Ekinne Tangcawan Semilla, 34-taong gulang, may asawa at naka-assign sa Palimbang Municipal Police Station at residente sa Zone 1, Purok Saeg, Barangay Calumpang, Gensan.

Sa panayam ng Bomboradyo Gensan, sinabi ni PCol. Christopher Bermudez, Provincial Director Sultan Kudarat Police Provincial Office, kaagad na ipinaalam sa kaniya ni Gensan City Director PCol. Nicomedes P. Olaivar Jr. ang krimeng ginawa ni Semilla.

Kaagad naman nitong ipinag-utos sa Palimbang Municipal Police Station sa pagsasagawa ng hot pursuit operation sa pakikipag-ugnayan sa General Santos City Police na nagresulta sa pagkakahuli kay Semilla alas 10:00 kagabi sa Poblacion, Kidapawan City, Cotabato Province.

Tiniyak nitong masasampahan ng kasong murder si Semilla.

Aniya, nakakalungkot na mayroon na namang isang pulis ang sangkot sa krimen ngunit isolated lamang ang kasong ito at hindi makaka-demoralize sa kabuuang hanay ng pulisya.

Matatandaang nagkasama sa inuman ang suspek na si PCorporal Semilla at ang biktimang si Marvin Bahian, 19 yrs.old sa isang videoke bar ngunit nagkaalitan na nagresulta sa pamamaril kung saan nasawi ang biktima matapos magtamo ng multiple gunshot wounds.

Una rito, nalaman na pulisya na may dati ng alitan ang dalawa noong December 2023.