LAOAG CITY – Mahirap pagsabayin ang pagiging pulis at pagre-review para sa bar examination.
Ito ang ibinunyag ni Police Staff Sergeant o Atty. Darwin Andres matapos niyang maipasa ang 2024 Bar Examination.
Ayon sa kanya, matagal na niyang pinangarap na maging abogado ngunit hindi agad nakapasok sa Law School dahil wala siyang sapat na ipon para suportahan ang kanyang pag-aaral ng abogasya.
Gayunpaman, sinabi niya na nung nakahanap na siya ng trabaho bilang isang pulis at nakaipon na ito ay agad siyang nag-aral ng abogasya.
Sinabi niya na gumawa siya ng isang malaking sakripisyo sa panahon ng pagre-review dahil kailangan niyang hatiin ang kanyang oras sa pagtatrabaho sa Regional Mobile Force Batallion Company at ang pagre-review nito sa loob ng anim na buwan.
May mga pagkakataon pa raw siyang nagre-review habang siya ay naka-duty.
Ito ang unang pagkakataon na kumuha si Atty. Andres ng bar examination na agad namang pumasa.
Dagdag pa niya, mayroon siyang pinsan na nakapasa rin sa Bar Examination noong nakaraang taon.
Sa ngayon, si Atty. Andres ay mananatili pa rin siya sa Philippine National Police ngunit bukas siya sa mga bagong oportunidad.
Samantala, si Atty. Andres ay isa sa mga 3,962 examiners na nakapasa sa katatapos na 2024 Bar Examination.