-- Advertisements --
ILOILO CITY – Sinibak na sa pwesto ang pulis sa Iloilo City Police Office na bumaril-patay sa isang inosenteng sibilyan matapos mapagkamalang subject sa drug buy bust operation.
Ito ay si Corporal Rodante Lopez, operatiba ng Iloilo City Police Station 1 – Station Drug Enforcement Team.
Habang ang inosenteng sibilyan naman ay si Karl Daniel Bolante, 27, residente ng North Baluarte Molo, Iloilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lt. Col. Joem Malong, spokesperson ng Police Regional Office 6, sinabi nito na sa ngayon ay nasa Regional Personnel Holding and Accounting Unit na si Lopez.
Habang hinihintay naman kung sisibakin rin sa pwesto ang chief of police ni Lopez na si Capt. Shella Mae Sangrines.