-- Advertisements --
derek chauvin verdict

Naging emosyonal ang mga tagasuporta ng Black Lives Matter movement hindi lang sa Estados Unidos ngunit pati na rin sa iba’t ibang dako ng buong mundo nang ibaba ang guilty verdict sa dating pulis na si Derek Chauvin.

Ito raw ay patunay na nakamit ng naiwang pamilya ng Black-American na si George Floyd ang ipinaglalaban nilang hustisya.

Ang 12 jurors ay nagkasundo na guilty si Chauvin mula sa second-degree unintentional murder na may hanggang 40-taong pagkakakulong, third-degree murder na may 25-taong pagkakakulong, habang 10 taong pagkakakulong naman ang naghihintay para second-degree manslaughter at $20,000, katumbas ito ng halos isang milyong piso.

Nagtipon-tipon ang mga tagasuporta ni Floyd sa George Floyd Square, kung saan ito namatay noong patungan ni Chauvin ang leeg ng biktima habang nakadapa ito sa sahig.

Ayon sa mga ito, hindi pa tapos ang pakikipaglaban ng mga Black Americans para sa kanilang karapatan sa Amerika bagkus isa lang itong hudyat na posible pa rin ang pagbabago sa sistema ng bansa.

Judge derek chauvin floyd

Umaasa naman ang Black Lives Matter Global Network Foundation (BLMGNF) na ang guilty verdict kay Chauvin ay isang patunay na na kailanman ay hindi mananaig ang white supremacy.

Wala aniyang puwang sa demokrasyang tinatamasa ng Amerika ang white supremacy, lalo na sa malayang pamumuhay ng sinoman.