-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Ang pulisya na ang magiging complainant laban sa pulis na nakabaril ng dalawang babae matapos nangyari ang gitgitan at away trapiko.

Ayon kay P/Capt. Brent Salazar, hepe ng San Isidro Police Station na sa loob ng 36 na oras kanilang pakawalan si SSgt Marvin Roy Cloma ng Traffic Management Unit matapos kinustudiya ng iilang araw dahil nabaril nito ang nakagitgitang mga babaeng motorista.

Dagdag ni Salazar na hindi na nagreklamo sina Mary Grace Causon at Camelo Quizon Lebria kapwa mga residente nitong lungsod.

Ang dalawang babae ang kapwa sugatan ng dinala sa pagamutan matapos binaril ni Cloma habang papalayo sakay sa motorsiklo.

Ayon sa Opisyal pananagutan ni Cloma ang paggamit ng service firearms gayong off duty at hindi ito naka uniporme.

Naka dalawang beses itong nakapaputok matapos makuha ang mga basyo sa baril.

Frustrated Homicide ang ikaso kung desisido ang mga biktima sa pamamagitan ng regular filling.