ILOILO CITY – Pinarangalan ng Philippine National Police (PNP) ang pulis na nasugatan kasunod ng search warrant implementation sa Sitio Malbog, Brgy. Adcadaro, Ajuy, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Brigadier General John Bulalacao, Director ng Police Regional Office (PRO) 6, sinabi nito na ang parangal na ibinigay kay Patrolman Herbert Rezano Felera ay ang Medalya ng Sugatang Magiting at financial assistance.
Isinagawa ang pagbibigay ng karangalan sa isang pribadong hospital sa lungsod ng Iloilo kung saan naka-admit si Felera na miyembro ng Speical Operations Group ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO).
Si Felera ay nagtamo ng sugat sa balikat at tiyan matapos na manlaban ang notoryos na subject ng search warrant na si Ronald Margona Paja o mas kilala sa tawag na Muros Paja at Rodel Paja.
Si Paja ay matagal nang inerereklamo dahil sa pagpapaputok at pagpamamay-ari ng hindi lisensyadong baril.
Isinagawa ang search warrant implementation noong Hunyo 15 kung saan nakatakas sa kanyang bahay si Paja matapos na paputukan ang mga otoridad ngunit kalaunan ay nahuli rin ang suspek.
Nakuha naman sa bahay ni Paja ang 12 gauge shot gun at air gun rifle.