VIGAN CITY – Pumuslit sa Tagudin border control checkpoint ang isang babaeng 24-anyos na pulis na nakadestino sa Police Regional Office 1 na nagpositibo sa COVID19 sa pamamagitan ng kanyang pagpapakita ng kanyang dating Covid19 test result.
October 22 nang sumailalim ang pasyente sa swab testing sa San Fernando, La Union na araw ring umuwi sa Patpata 2nd, Candon City nang hindi pa nakukuha ang kanyang resulta kaya ang kanyang RT PCR test result pa lamang noong September ang kanyang ipinakita sa quarantine checkpoint at hindi na rin umano ito isinailalim sa antigen test.
Nag hire ng taxi ang pasyente na umuwi sa Tagudin at nang makarating ay sumakay rin ito ng traysikel pauwi sa kanilang barangay dahil dadalo ito sa kaarawan ng kanyang ina noong October 24.
Hindi umano nai-coordinate ang pasyente sa kanilang barangay at noong October 23 ay nakahalubilo nito sa kanilang barangay captain at kumain pa umano ito sa isang fastfood chain.
Sa ngayon ay naka-isolate ang pasyente sa Narvacan District Hospital para sa kanyang patuloy na recovery.