KORONADAL CITY – Posibleng mahaharap sa mabigat na kaso ang isang pulis masangkot sa panununtok at pagpapaputok sa isang suspek sa nangyaring away sa Brgy. Zone I, Koronadal City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay South Cotabato provincial director Col. Jemuel Siason, bagamat hindi muna pinangalanan ang naturang pulis, inihayag nitong dadaan sa “due process” ang imbestigasyon sa nasabing pulis.
Aniya, patuloy nilang inaalam ang mga testimonya ng mga testigo dahil mayroong 15 na araw para sa isinasagawang imbestigasyon bago magpalabas ng desisyon kung mayroong circumstancial evidence.
Dagdag nito, sa oras na malaman na nilabag ng nasabing otoridad may posibilidad na haharap ito sa kasong administratibo o mas mabigat pa katulad ng kriminal.
Nabatid na matapos pagtulungan ng mga kasama ng nasabing police asset ang suspek ay binaril pa ito kahit nakaposas na at tumakbo papunta sa isang pribadong ospital.
At kahit mismo doon sa bahay pagamutan ay patuloy umano itong sinusuntok ng mga kasama ng nasabing police asset.
Sa ngayon, dinis-armahan at na relieve sa kanyang pwesto ang pulis habang nagpapatuloy ang nasabing imbestigasyon.