-- Advertisements --
Sumuko na sa mga otoridad ang isang pulis na sangkot sa pamamaril dahil sa gitgitan sa trapiko sa Quezon City.
Ang insidente ay nagresulta sa pagkakasawi ng driver na nakagitgitan ng suspek sa kahabaan ng C5 Ayala Heights pasado alas-7 ng gabi.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na nagkaroon ng alitan sa trapiko ang suspek na pulis kaya bumaba ito at binaril ang driver ng closed van.
Nakarekober ang mga kapulisan ng pitong basyo ng hindi pa malamang kalibre ng baril.
Sugatan naman sa insidente ang kasama ng biktima sa sasakyan.
Matapos ang ilang oras ay sumuko na rin sa mga otoridad ang hindi pa pinangalanang suspek.