-- Advertisements --

Patay ang isang pulis sa ikinasang buy bust operation ng PNP Counter Intelligence Task Force (CITF) matapos manlaban sa mga operatiba.

Ikinasa ang operasyon kagabi sa may Tajmia Economy Suites na matatagpuan sa Osita Block 2, Barangay Zone 2, Koronadal City, South Cotabato ng mga pinagsanib na pwersa ng CITF sa pamumuno ni PSupt. Joel Estaris, PNP-IG, 4th SAB at PNP-SAF.

Kinilala ni PNP CITF director, PSSupt. Romeo Caramat ang napatay na pulis na si PO1 Rommil Barcellano aliyas Banjo.

Si Barcillano ay naka -assign sa PIB, South Cotabato PPO bilang isang intelligence officer.

Ayon kay Caramat ang operasyon ay bunsod sa ibinigay na intelligence packet ng Regional Intelligence 12 na tinawag na Coplan Sauve.

Nakipag barilan pa sa mga pulis ang suspek na nagtamo na multiple gunshot wounds na naging dahilan sa agarang pagkamatay nito.

Napag-alaman na si Barcillano ay lider umano ng Banjo Barcillano Group na sangkot sa pag recycle ng shabu, carnapping, akyat bahay at gun for hire.

Nakuha sa posisyon ni Barcillano ang isang small heat sealed transparent plastic sachet na hinihinalaang shabu, P1,000 peso bill marked money, one large size transparent sachet na hinihinalaang shabu, 1 cal .45 pistol, magazines cash money na higit P5,000.00 at handcuff.

Kinumpirma ni Caramat na kabilang si Barcillano sa PNP CI watchlist.

Ang napatay na pulis ay pang anim na biktima sa operasyon na ikinasa ng CITF.