TUGUEGARAO CITY – Nasa hot seat ngayon ang dalawang pulis sa Isabela dahil sa illegal gambling at extortion.
Nahuli si S/Sgt. Juvimar Rodriguez na nakatalaga sa PNP Bayombong, Nueva Vizcaya sa sabungan sa Cauayan City, Isabela kung saan siya residente ng pinagsanib na personnel ng Isabela PPO at Regional Integrity Monitoring and Enforcement Team (RIMET).
Nahaharap ngayon sa pre-charge investigation si Rodriguez dahil sa paglabag sa PNP Ethical Doctrine Manuel at internal cleansing stratergy ng PNP.
Samantala, huli naman sa entrapment operation si PSMS Fidel Rey Dugayon na nakatalaga sa Isabela Special Motorcycle Assistance and Response Team o SMART-PPO sa pangingikil sa tatlong motorcycle riders na hinuli dahil sa traffic violations sa Brgy. Centro, Cabatuan, Isabela.