CENTRAL MINDANAO-Sasampahan ng kasong administratibo at paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isang pulis na nahuli sa buybust operation sa Cotabato City.
Nakilala ang suspek na si Police Corporal Jomar Moyet Chio alyas Jomar na nakatalaga sa Sultan Kudarat MPS sa Sultan Kudarat Maguindanao.
Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Rommel Javier na nagsagawa sila ng buybust operation katuwang ang Sultan Kudarat MPS at RHPU-BAR sa Gutierrez Avenue Barangay Rosary Heights 7 sa syudad laban sa suspek.
Nang akma nang i-abot ni Chio sa mga pulis naka-sibilyan ay doon na siya inaresto.
Narekober sa suspek ang buybust money at shabu sa kanyang posisyon.
Sinabi ni PRO-BAR Regional Director Bregadier General Oden Ugale na matagal na ang kanyang kautusan na hulihin ang mga pulis na sangkot sa pinagbabawal na droga at ilegal na Gawain.
Tanggal sa serbisyo ang kaparusahan sa suspek,sasampahan ng kaso at makukulong pa.
Sa ngayon ay nakapiit na si Corporal Chio sa costudial facility ng PRO-BAR at patuloy na iniimbestigahan.