-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Pinasalamatan ng Traffic Enforcement Unit (TEU) ng Baguio City Police Office (BCPO) ang mga drivers at operators ng public utility jeepney (PUJ) sa lungsod dahil sa maayos na pagsasagawa ng nationwide transport strike kahapon.
Ayon kay TEU chief police Major Oliver Panabang, hindi transport strike ang nangyari sa Baguio City sa halip ay isa lamang transport protest rally.
Sinabi niya na pinaghandaan na ng kanilang opisina ang mga posibleng epekto ng strike partikular ang paghahanda ng mga ito ng kanilang patrol car kung sakaling walang masakyan ang mga pasahero.
Samantala, nasa 100 indibidwal ang nakilahok sa nasabing transport protest rally sa lungsod.