Hinatulang makulong ng 22 at kalahating taon ang dating Minneapolis police officer na si Derek Chauvin dahil sa pagpatay sa black American na si George Floyd noong 2020.
Unang inirekomenda ng prosecutor ang 30 taon na hatol subalit hiniling ng abogado nito ng probation at ang panahon ng ito ay naaresto.
Unang na-convict si Chauvin noong Abril ng second-degree murder, third-degree murder at second-degree manslaughter.
Kung tutuusin ay mahaharap si Chauvin ng 40 taon na pagkakakulong dahil sa second-degree murder, 25 taon dahi sa third degree murder at 10 taon para sa manslaughter.
Sinabi naman ni Hennepin County District Court Judge Peter Cahill na ang ipinataw nitong hatol ay hindi base sa emosyon at simpatiya.
Ayon naman kay US President Joe Biden na ang hatol ay sapat lamang.
Magugunitang nagbunsod ng malawakang kilos protesta ng mapatay ng mga pulis habang inaaresto si Floyd dahil umano sa isang kaguluhang kinasangkutan nito.