-- Advertisements --

ROXAS CITY – Ni-relieve sa pwesto bilang jailer, ang pulis na naka-duty ng makatakas ang dalawang menor de edad na nasa kustodiya ng Roxas City PNP.

Kinumpirma ni Police Master Sergeant Ramil Arcangeles, information officer ng Roxas City PNP na epektibo kahapon ni-relieve sa pwesto bilang jailer si Police Senior Master Sergeant Cenon Felipe.

Ang nasabing hakbang ay bilang bahagi ng disciplinary action ng pamunuan ng Roxas City PNP kay Cenon matapos natakasan ng dalawang minors na sina Alyas Kent ng Barangay Libas at alyas Justine kung saan siya ang jail officer on duty.

Ayon kay Arcangeles na floating sa ngayon ang status ni Cenon habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Matandaan na itinago pa sa media ang pagtakas ng mga minors na nasa pangangalaga ng nasabing police station, ngunit isang concerned citizen ang nagkumpirma sa Bombo Radyo na totoo ang balita dahil hindi nakita ng kanyang kamag-anak si Kent ng bisitahin sa bilangguan.