-- Advertisements --

Patay ang isang Pulis habang sugatan ang mag ina nito nang pagbabarilin ng mga hindi pa tukoy na mga salarin sa Imus, Cavite.


Batay sa impormasyon ng Cavite Provincial Police Office, kinilala ang mga biktima na sina P/Capt. Ariel Ilagan na naka assign sa Southern Police District, asawa nitong si Mary Grace, 48-nyos at anak nilang si Audrey Gale, 20-anyos.

Bandang alas-6:00 kaninang umaga, papasok na sa trabaho ang biktima kasama ang mag ina lulan ng kanilang SUV nang mangyari ang insidente.

Papalabas na sana ang mga biktima sa kanilang Subdivision sa Lakersfield kanto ng Alapan Rd sa Brgy. Alapan 1-B nang biglang lumitaw ang mga salaring sakay ng isa pang SUV at duon na pinagbabaril ang pulis at ang mag-ina nito.

Dead on the Spot si Ilagan habang sugatan ang kaniyang mag ina na agad isinugod sa Our Lady of the Pillar Hospital.

Ongoing pa sa ngayon ang manhunt operation laban sa mga suspek.

Patuloy pang iniimbestigahan ng Pulisya ang naturang insidente para mabatid ang motibo sa krimen.