-- Advertisements --

VIGAN CITY – Patay ang isang pulis dahil aksidenteng mabaril ang sarili sa Bangued, Abra.

Nakilala ang biktimang si Pol. Corporal John Paul Ayon-ayon, 30 taong gulang na residente ng Brgy. Napo, Sto. Domingo, Ilocos Sur na na-assign sa Abra Provincial Police Office.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PCol. Mali Cula, Provincial Director ng Abra PPO, habang nasa motorpool ng Abra PPO ang biktima kasama ang iba pang pulis ay naisipan umano nitong linisan ang kangyang baril na Caliber 9mm Taurus ng aksidente nitong nakalabit at tumama sa kanya.

Ayon kay Cula, tumama ang bala sa dibdib ng biktima at pataas ang direksyon nito na umabot hanggang leeg kayat agad siyang isinugod sa Abra Provincial Hospital ngunit namatay ito habang ginagamot.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ang insidente kung may nangyaring foul play sa pagkamatay ng nasabing pulis.

Hindi naman matanggap ng pamilia nito ang nangyari dahil hindi nila inaasahan ang agarang pagkamatay ng pulis.

Ayon kay Elsie Ayon-ayon, ina ng biktima, sinabi umano ng manugang nito na nabaril ang kangyang anak kaya inisip pa nito na may bumaril sakanya ngunit nalaman na lang niya na aksidente nitong nabaril ang sarili.

Aniya, masakit ang pagkawala ng kaniyang anak dahil kamakailan lang nang bumisita sa bahay nila dito sa Ilocos Sur at ipinangako pa na bibisita ulit ngunit kalian man ay di na mangyayari.