DAVAO CITY – Nagpaalala ang ahensiya ng Department of Health (DOH-11) sa publiko na iwasan ang pagbabad sa tubig-baha para maiwasan ang sakit na leptospirosis.
Ang pahayag ng ahensiya ay may kaugnayan sa pagkamatay ng isang pulis dahil nasabing sakit.
Hindi na nailigtas ng mga doktor ang biktima na nakilalang si Corporal Rey John Villahermosa, 32, residente ng Calinan sa lungsod at nadestino sa Tugbok PNP matapos na lumala ang kanyang kondisyon dahil sa leptospirosis.
Sa inisyal na imbestigayon, naka-confine ang nasabing pulis sa Robillo Hospital sa Calinan ngunit inilipat ito sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) matapos na mahirapan na huminga.
Ngunit hindi na nagtagal pa ang buhay ni Villahermosa at agad itong namatay.
Una nang sinabi ng DOH na nakukuha ang sakit na leptospirosis sa mga hayop gaya ng ihi ng daga kung saan papasok ang bacteria sa mga sugat sa paa, binti, hita, tuhod, at iba pang mga bahagi ng katawan na nalublob o nabasa ng tubig-baha.