TACLOBAN CITY – Dead-on-the-spot ang isang pulis matapos itong maaksidente habang nagsasagawa ng operasyon laban sa Illgel cock fighting sa Barangay San Jose, Northern Samar.
Kinilala ang biktima na si PLT Christian Bolok, hepe ng San Jose MPS.
Ayon kay PCol Arnel Apud, Provincial Director ng Northern Samar Police Provincial Office (NSPPO), na una dito nang magsagawa ng operasyon ang tropa ng San Jose MPS dahil reklamo ng Iligal na sabong o tupada.
Nang kukumpiskahin naman ng naturang hepe ang mga pansabong na manok ay aksidente itong nalaslas ng tari ng manok.
Ayon kay Apud na napuruhan ang malaking ugat ni Bolok na sanhi ng pagtagas ng maraming dugo.
Dinala naman ito sa hospital pero sa kasawiang palad ay hindi na ito umabot ng buhay.
Samantala nahuli sa naturang operasyon ang aabot sa anim na mga suspek.