-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Patay ang isang pulis na nakadistino sa Cataingan Municipal Police Station matapos barilin ng hindi nakilalang mga suspek sa loob ng sabungan sa Barangay Bugang, Pio V Corpus, Masbate.

Ayon sa mga imbestigador, nasa sabungan si Police Corporal Randy Almanzor, 39, dahil fiesta sa naturang lugar nang barilin ito ng humigit kumulang 10 katao na pinaniniwalaang kasapi ng New People’s Army (NPA.

Kaagad na binawian ng buhay si Almanzor.

Tinangay naman ng mga suspek ang baril ng biktima.

Narekober sa crime scene ang tatlong bala ng caliber .45 na baril.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang pursuit operation laban sa mga suspek.

Si Almanzor ay ang ikalawang pulis na pinaslang sa lalawigan kasunod kay Patrolman Robert Sularta, 28.