-- Advertisements --
Police Senior Master Sergeant Anthony Lacson | Photo © FB Post

Patay ang isang pulis na kagagaling lamang sa duty at pauwi ng tambangan ng armadong katao na riding-in-tandem sa Quezon City kagabi.

Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD) nakilala ang biktimang pulis na si Police Senior Master Sergeant Anthony Lacson.

Ayon kay QCPD Station 9 commander PLt. Col. Cipriano Galanida naganap ang pamamaril bandanag alas-8:00 kagabi sa bahagi ng Anonas Street.

Si Lacson ang naka assigned bilang desk officer ng Anonas Police Station.

Iniimbestigahan na sa ngayon ng pulisya ang nasabing kaso ng sa gayon matukoy ang motibo sa pagpatay at kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.